ARESTADO | Binatilyo, huli matapos saksakin ang kapwa niya menor de edad

Caloocan City – Arestado ang isang 17-anyos na lalaki matapos saksakin ang kapwa niya menor de edad sa Caloocan City.

Naglalakad pauwi noon ang 16-anyos na biktima at kasamahan nito nang harangin sila ng suspek na si alyas Kenneth at dalawang kasabwat nito sa Barangay 5.

Mula sa likod, biglang sinaksak ni Kenneth ng barbeque stick ang biktima at mabilis na tumakbo kasama ang mga kasabwat.


Nakahingi naman ng tulong ang sugatang biktima sa pulis kaya agad nahuli si Kenneth sa follow-up operation habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan ng suspek.

Facebook Comments