ARESTADO | Brgy. Kagawad sa Pangasinan haharap sa patong patong na kaso!

Huli sa bisa ng warrant of arrest ang isang Brgy. Kagawad sa Pangasinan bayan ng Mangatarem na kung saan natagpuan ng pulisya ang illegal na droga sa kaniyang tahanan.
Kinilala ang suspek na si Brgy. Kagawad Rene Escalante ng Barangay Bunlalacao Mangaterem. Nakita sa kaniyang tahanan ang tatlong sachet ng naglalaman ng hinihinilang shabu, tatlong piraso ng aluminom foil strips at isang baril na caliber 38 na mayroong tatlong bala.
Kakasuhan ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition.

Facebook Comments