ARESTADO | Caregiver na nagnakaw ng debit cards ng kaniyang amo, timbog

Manila, Philippines – Arestado ang isang caregiver matapos nakawin ang debit cards ng kaniyang amo na kaniyang ginamit sa pag-shopping at pagliliwaliw abroad.

Nahaharap sa kasong qualified theft at 42 count ng access device fraud ang suspek na si Jorest Irk Delambaca.

Batay sa reklamo ng 60 anyos na bedridden na amo ni Delambaca, isang taon itong nanilbihan sa kaniya nang biglang nawala nitong February 23, 2018.


Nagtaka na lamang ito ng tawagan siya ng bangko at sabihing umabot na sa halos P300,000 ang nabawas sa kaniyang bank account .

Ayon kay Senior Inpector Reynaldo Salim, hepe ng cyber financial crime section ng PNP-CIDG, ginamit ni Delambaca na pangbook ng mga hotel, pagbili ng mga plane ticket, mga damit at mga appliances ang pera ng biktima.

Nabatid na nanggaling na ang suspek sa Malaysia, Cambodia, Vietnam at Thailand habang hindi pa niya nagagamit ang ticket pa-Singapore at Maldives.

Facebook Comments