ARESTADO | Construction worker, kalaboso matapos gumamit ng pekeng ID sa isla ng boracay

Aklan – Kalaboso ang isang construction worker matapos gumamit nang pekeng ID nang pumasok sa isla ng Boracay.
Nakilala ang suspek na si Arjie Tamado, 23-anyos at residente sa Barangay Nagustan, Nabas, Aklan.
Sa ulat, ginamit ni Tamado ang ID ng Eurotel kahit hindi naman ito konektado sa nasabing establismento.
Kasalukuyan nakakulong sa Malay Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong identity theft o falsification of public documents.

Facebook Comments