ARESTADO | Dalawa na nagsusugal ng tong-its, nakuhanan ng shabu sa Pasig City

Pasig City – Kalaboso ang dalawang katao matapos na mahulihan ng shabu habang nag totong-its sa Evangelista Compound, Barangay Palatiw Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Aubrey Albia at Maria Liza.

Ayon sa Pasig City Police Station PCP 5 nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kung saan ipinaalam sa mga pulis na mayroong nagsusugal ng tong-its sa naturang lugar.


Pagdating ng mga pulis sa lugar ay kanya-kanyang nagtakbuhan ang mga nagsusugal pero naiwan ang dalawa na nagresulta sa kanilang pag-aresto.

Nang kapkapan, nakumpiskahan pa ang mga suspek ng anim na plastic sachets ng shabu.

Facebook Comments