ARESTADO | Dalawang lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng iligal na droga

Pasay City – Arestado ang dalawang lalaki matapos na mahulihan ng iligal na droga sa mismong bahay ng isang suspek sa Victor Street Kanto Tramo sa Pasay City.

Sa ulat, isang concerned citizen ang nagbigay ng tip sa pot session ng mga suspek sa bahay ni Larry Falcomit kasama ang kaibigan na si Pablo Bagalijog Jr.

Nataranta at pinagli-ligpit ng mga suspek ang kanilang iligal na droga at mga drug paraphernalia nang kumatok ang mga pulis.


Pero nakalimutan ng dalawa na may mga sachet ng shabu sa kanilang bulsa kung saan nakuha ito matapos silang kapkapan ng mga pulis.

Sinisisi naman ni Falcomit ang kaibigan dahil binuksan nito ang pinto nang hindi pa nila naitatapon ang shabu sa kanilang bulsa.

Facebook Comments