ARESTADO | Dalawang lalaking naaktuhang nagbebenta ng shabu, huli

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rico Ocenar, 38 anyos at Red Bunagan, 27 pawang residente ng Sangang Daan Project 8 ng Lungsod.

Ayon sa QCPD Station 8, nagsagawa sila ng operasyon sa Quezon Ave. malapit sa Banawe o sakop ng Brgy. Doña Josefa nang makita ng mga pulis si Ocenar na may inaabot na isang pakete kay Bunagan.


Matapos mahuli, nakuhaan pa sa kanyang bulsa ni Ocenar ang 6 na pakete ng shabu.

Dahil dito, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments