Marikina City – Kalaboso ang dalawang menor de edad matapos na masakote sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City.
Isa sa mga suspek ang isang 18-anyos na babae, habang ang isa naman ay 15 taong binatilyo na kapwa residente sa lugar.
Nakuha mula sa dalawang suspek ang pitong piraso ng plastic sachet ng shabu at digital weighing scale, bukod pa sa buy-bust money.
Aminado naman ang dalawa sa pagbebenta ng iligal na droga pero nagawa lamang daw nila ito dahil sa wala silang pera para pambili ng pagkain.
Facebook Comments