Manila, Philippines – Kalaboso ang isang dating kagawad matapos umanong halayin ang isang menor de edad sa Sampaloc, Maynila.
Sa kulungan ang bagsak ng suspek na nakilalang si alyas Rudy na isang engineer.
Ayon sa ina ng biktima, sinamahan ng kaniyang 15-anyos na anak ang isang kaibigan sa bahay ng suspek para humingi ng pera.
Pero imbis na sa bahay, dinala ang kaniyang anak sa condominium ng suspek sa Sampaloc at saka iniwan ang biktima.
Dito na aniya hinalay ng suspek ang biktima.
Agad namang nagsumbong ang pamilya ng biktima kaya at nagsagawa ng operasyon at natunton ang suspek sa kaniyang opisina.
Maaaring maharap sa kasong rape in relation to child abuse ang suspek.
Facebook Comments