ARESTADO | Empleyado ng NAIA, inaresto dahil sa pagnanakaw

369

Pateros – Kalaboso ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng ikinasang operasyon ng pulisya sa munisipalidad ng Pateros.

Ayon sa pulisya, inaresto si Adrian Cartagena, 31-anyos sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Isagani Geronimo ng Pasig RTC Branch 262 dahil sa kasong robbery.

Nakatakdang dalhin sa Pasig Regional Trial Court si Cartagena para harapin ang kasong nakasampa laban sa kanya.

Facebook Comments