ARESTADO | Grab driver na hinipuan ng bading na pasahero, nagreklamo sa QCPD

Manila, Philippines – Mahaharap sa reklamong act of lasciviousness ang isang call center agent matapos ireklamo sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10 ng isang Grab driver na kaniya umanong hinipuan.

Batay sa reklamo ni alyas Bryan, nagsakay siya ng apat na pasahero sa BGC Taguig pasado alas-2:40 ng umaga.

Ihahatid niya sana ang mga ito sa sa Guadalupe MRT station na kanilang drop off pero humiling ang isa niyang sakay na magpahatid sa Crossing ng Greenfield district sa Shaw Boulevard.


Pagkababa ng tatlong iba pang pasahero, dito na sinimulang pinaghihipuan ni Christian Pagela ang maselang bahagi ng kanyang pagkalalaki.

Tinapik pa niya ang kamay nito at ilang beses na sinaway pero sa kabila nito ay hindi pa rin nagpaawat ang kanyang sakay.

Sa halip na ibaba sa kanyang destinasyon, idineretso na lang ng driver ang kanyang pasahero sa police station.

Todo sisi naman ang pasahero at sinabing lasing lang siya kaya nagawa ang panghihipo.

Facebook Comments