ARESTADO | Isang construction worker, kalaboso matapos gahasain ang 18-anyos na babae

Bulacan – Kalaboso ang isang construction worker matapos manggahasa ng isang 18-anyos na babae sa Meycauyan, Bulacan.

Sa ulat, nagtanong lamang ang biktima sa suspek na si Romuel Hidalgo kung saan makakabili ng sim card.

Pero sa halip na ituro ang tindahan, dinala ni Hidalgo ang biktima sa kaniyang bahay kung saan tinakot muna niya ang dalaga saka ginahasa.


Mabilis naman nakapagsumbong ang biktima sa mga pulis kaya at nadakip ang suspek.

Facebook Comments