ARESTADO | Isang drug suspect, kulong matapos umiwas sa oplan sita Navotas City

Navotas City – Kulungan ang bagsak ng isang drug suspect sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Lapu-Lapu Avenue, Barangay NBBN, Navotas City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Nanding” na sinasabing umiwas sa oplan sita ng mga pulis habang sakay ng kaniyang motorsiklo.

Agad naman siyang hinabol at nang makorner ay nakuha mula sa kanya ang tatlong plastic sachet ng shabu at isang kalibre .45 na baril na walang lisensiya.


Tikom naman ang bibig ng suspek nang tanungin kung kanino nabili ang shabu at kung saan niya nakuha ang baril.

Facebook Comments