ARESTADO | Isang helper nahulihan ng baril habang umiinom sa Pasig City

Pasig City – Kalaboso ang isang helper matapos na mahulihan ng baril sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Jerom Laurente na residente ng Eusebio Avenue.

Inireklamo ng isang negosyante ang suspek dahil pinaglalaruan nito ang kaniyang kalibre .38 revolver habang umiinom ng alak sa loob ng kaniyang karinderya.


Agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis at dito na inaaresto ang suspek kung saan loaded pala ng dalawang bala ang hawak nitong baril na walang lisensiya.

Facebook Comments