ARESTADO | Isang helper nahulihan ng shabu sa Maynila

Manila, Philippines – Puspusan at lalong pinaigting ng Manila Police District (MPD) ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga ito ay matapos maaresto at mahulihan ng pinaghihinalaang shabu ang isang helper sa Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si Jesus Aquino, 35-anyos helper residente ng Claro M. Recto Street Binondo, Manila.

Ayon kay Police Senior Inspector Edwin Fuggain Chief ng Station and Drug Enforcement Unit (SDEU) nagsasagawa sila ng oplan galugad sa kanto ng Claro M. Recto at Saint Mary Street Tondo Manila nang maispatan nila ang suspek na may kahina-hinalaang kilos.


Agad na kinapkapan at nakuha ng mga pulis mula sa katawan ng suspek ang isang transparent plastic sachet na pinaghihinalaang may lamang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa suspek.

Facebook Comments