ARESTADO | Isang holdaper na suspek sa pagpatay sa taxi driver, timbog sa Valenzuela City

Valenzuela City – Arestado ang isang holdaper na suspek rin sa pagpatay sa isang taxi driver sa Marulas, Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Ruel Valdemos, miyembro ng sputnik gang at apat na beses nang pabalik balik sa kulungan.

Ayon kay Police Senior Superintendent David Poklay, hepe ng Valenzuela PNP, naaresto ang suspek matapos magpositibo sa buy-bust operation, kung saan nakuha mula sa kaniya ang walong sachet ng hinihinalang shabu at 500 pisong buy-bust money.


Aminado ang suspek na gumagamit siya ng iligal na droga pero itinanggi niya na isa siyang pusher.

Inamin din ni Valdemos na may alam siya sa pagkamatay ng isang taxi driver pero nagsilbing look out lamang umano siya at 2 iba pang lalaki ang tumapos sa buhay ng driver.

Facebook Comments