ARESTADO | Isang lalaki, huli sa drug buy-bust operation sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang drug suspek matapos nitong mabentahan ng shabu ang mga pulis na nagpanggap na buyer sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Melanio Vergara, 42-anyos na residente ng San Mateo, Rizal.

Isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek sa Aurora Boulevard, Barangay E Rodriguez kung saan agad itong pinosasan matapos ang transaksiyon.


Walong pakete ng shabu ang nakumpiska sa suspek na aminadong ginagawang negosyo ang iligal na droga dahil hirap makahanap ng trabaho.

Facebook Comments