ARESTADO | Isang lalaki nahulihan ng mahigit P1-M na halaga ng shabu sa Cebu

Cebu City – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu.

Nakilala ang nadakip na si Bernardino Pepito na residente ng Barangay Poblacion, Danao City.

Agad na nakorner ang suspek matapos nitong mabentahan ng dalawang sachet ng shabu ang isang pulis.


Nakuha mula sa kaniya ang dalawang malalaking pakete ng shabu na mayroong bigat na 200 grams at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments