ARESTADO | Isang lalaki, timbog sa buy-bust operation sa Marikina City

Marikina City – Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay Tumana.

Nakilala ang drug suspek na si Jerome Abano, 22-anyos na kilala din supplier ng shabu sa nasabing lugar.

Narekober mula sa suspek ang anim na piraso ng plastic sachet ng shabu, bukod pa sa buy-bust money.


Kasalukuyan nasa Eastern Police District (EPD) ang suspek kung saan inaalam na kung sino ang source nito ng iligal na droga.

Facebook Comments