ARESTADO | Isang magnanakaw, huli matapos pasukin ang bahay ng isang deputy warden sa Cavite

Cavite – Arestado ang isang magnanakaw matapos nitong pasukin ang bahay ng isang deputy warden ng cartmona jail sa Dasmariñas, Cavite.

Nakilala ang nadakip na si Michael Cuaresman habang ang deputy warden ay kinilanang si Mario Maligad.

Sa ulat, may bitbit na itak ang suspek nang pasukin ang bahay ng biktima pero hindi nabulaga ito ng paputukan siya ng baril ng deputy warden.


Nakorner at nagmakaawa ang suspek na huwag siyang patayin kung saan tumawag na ng back-up ang biktima saka ito ipinaaresto.

Nabatid na nakita na pala ni Maligad na kinakalikot ng suspek ang CCTV camera kaya at inabangan na niya ito sa loob ng kaniyang bahay.

Facebook Comments