ARESTADO | Isang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang, nahulihan ng pen gun sa Sta. Cruz Manila

Manila, Philippines – Kalaboso ang sinapit ng isang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang matapos na magwala at mahulihan ng pen gun sa Sta. Cruz Manila.

Arestado ang suspek na si Cezar Roman Santa 35 anyos residente ng Oroquieta Street Sta. Cruz Manila.

Ayon kay PO1 Rudolf Fajardo ng Station 3 ng MPD humingi umano ng tulong sa kanila ang mga residente dahil mayroon umano isang lalaking nagwawala at nagsisigaw sa kanto ng Oroquieta at Blumentritt Street Sta. Cruz Manila.


Agad na nagresponde ang mga Brgy. Tanod at pulis at naabutan pa nila ang suspek na nagsisigaw at nagwawala at nang kapkapan nakuha sa baywang ni Roman Santa ang isang pen gun na may balang 38 kalibreng baril.

Sasampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms ang naturang suspek.

Facebook Comments