Manila, Philippines – Arestado ang isang retiradong US Navy matapos manghalay ng menor de edad na pamangkin sa Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), kasama ng 56-anyos na suspek na si Manuel Yarra ang biktima para kunin ang lobo na kanilang inorder sa isang mall sa Fairview.
Pero nang malamang hindi pa ito tapos, dinala ng suspek ang dalagita sa isang apartelle kung saan niya ito ni-rape.
Nagbanta ang suspek na papatayin ang biktima kung tatanggi at ipagsasabi sa iba ang nangyari sa kanila.
Sa kabila nito, nagsumbong pa rin ang biktima sa kanyang mga magulang at agad na nadakip ang suspek.
Nahaharap na ngayon si Yarra sa kasong paglabag sa anti-rape law.
Facebook Comments