ARESTADO | Isang security guard, huli sa pagdadala ng baril sa Quezon City

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang security guard matapos na mahulihan ng baril sa Barangay Marilag, Project 4, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Marlou Astronomia, 35-anyos na residente ng Old Balara.

Sa ulat, nasita ang suspek sa checkpoint dahil walang plaka ang minamanehong motorsiklo.


Nang hanapan ng mga dokumento, nakita sa compartment ng motorsiklo ang isang 9mm na baril na kargado ng bala.

Wala din maipakitang permit o anumang dokumento ang suspek hinggil sa pagiging legal ng kanyang baril kaya at dito na siya tuluyang inaresto.

Facebook Comments