ARESTADO | Isang sikat na spiritual guru, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa India

India – Pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong ang isang spiritual guru matapos mapatunayang nagkasala sa panggagahasa sa isa nitong tagasunod noong 2013 sa India.

Ibinaba ang hatol sa 77-anyos na si Asaram Bapu, isang tanyag na “spiritual revolutionist” sa India na nakilala noong 1970s.

Hinigpitan na rin ang seguridad sa paligid ng kanyang kulungan sa posibleng pagtutol ng kanyang mga tagasuporta.


Nauna nang itinanggi ni Asaram ang naturang paratang.

Facebook Comments