ARESTADO | Isang wanted na Korean national, natimbog ng BI sa Clark International Airport

Pampanga – Natimbog ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport sa Pampanga ang isang puganteng Korean national na wanted sa Seoul at kasalukuyang nag-o-operate ng prostitution ring sa bansa.

Kinilala ni OIC Deputy Commissioner at BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, ang suspek na si Hong Yong, 44-anyos.

Dinala na si Hong Yong sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda ang deportation laban sa kanya.


Ang nasabing Korean national ay sangkot sa sexual trafficking ng mga turistang Koreano. Kung saan naniningil ito ng 200,000 won sa kanyang mga kliyente bilang paunang bayad.

Facebook Comments