ARESTADO! | Japanese national at dalawang Pinoy na kasabwat nito, timbog sa iligal na droga sa Makati City

80

Makati City – Timbog sa ikinasang buy-bust operation ang isang Japanese national at dalawang Pinoy na kasabwat nito sa Makati City.

Nasakote ang mga suspek na si Haruhisa Nakamura, Mervin Bien Villanueva at Abbygail Abubakar sa isang kwarto sa virra-1 condominium.

Nakuha sa kanila ang dalawang plastic ng shabu at ang P2,000 na buy-bust money.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, ginagamit ni Nakamura ang kaniyang Manpower Entertainment Agency bilang props para malayang makapagbenta ng iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments