ARESTADO | Kilabot na carnapper at no.2 most wanted person, huli sa Manila

Manila, Philippines – Arestado ang isang no. 2 most wanted person sa kasong carnapping habang nagpapa-pedicure sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang suspek na si Jay-Ar Bagamasmad, 21 anyos , na naaresto ng mga opertiba ng Sta. Cruz Police.

Si Bagamasmad ang Second Most Wanted Person sa Maynila dahil sa kasong Carnapping o paglabag sa RA 6539.


Ayon kay PO3 Richard Miralles, inihain nila ang Warrant of Arrest sa suspek habang nagsasagawa sila ng Simulaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

Nakatanggap umano sila ng impormasyon na nasa Bambang Market ang suspek kaya agad nila itong pinuntahan at saka doon na inaresto.

Disyembre ng 2016 nang inilabas ang warrant of arrest kay Bagamasmad na inisyu naman ni Presiding Judge Maria Paz Reyes-Yson.

Aabot sa 180 libong piso ang piyansang ibinigay ng korte sa suspek.

Facebook Comments