ARESTADO | Lalaki, huli matapos magpuslit ng marijuana

Cebu City – Arestado ang isang lalaki matapos tangkaing magpuslit ng marijuana sa Pier-3 sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Louie Aupe, 33-anyos.

Pasakay sana ang suspek sa bangka papuntang Bohol nang ma-detect sa x-ray ang droga sa kanyang bagahe.


Noong una, nagpalusot pa si Aupe at sinabing basura lang ang laman ng kanyang bag.

Pero nang tingnan ng x-ray operator, doon na nakita ang marijuana na ibinalot sa papel.

Depensa pa ng suspek, mayroon siyang cyst at ito ang ginagamit niyang gamot.

Facebook Comments