ARESTADO | Lalaki, kalaboso matapos kulangin ang perang pambayad sa isang beerhouse sa QC

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos na kulangin ang pera na pambayad sa kaniyang bill sa isang beerhouse sa IBP Road, Payatas, Quezon City.

Ipinakulong ng may-ari na si Jun Andilab ang OFW na si John Bustamante na head chef sa Dubai makaraang kulang ang perang pambayad nito.

Nabatid kasi na sobrang katakawan sa babae kung saan pito ang kaniyang itinable, umabot sa P15,000.00 ang bayarin nito pero mahigit P5,000.00 lang ang kaniyang pera.


Tinangka pa ni Bustamante na ipambayad ang dalang cellphone at relo pero hindi ito tinanggap ng may-ari.

Aminado naman si Bustamente na mayroon siyang asawa at pinapayagan naman daw siya nitong mambabae.

Facebook Comments