ARESTADO | Lalaki, kalaboso matapos na mahulihan ng iligal na droga at baril

17

Davao City – Kalaboso ang isang lalaki matapos na mahulihan ng iligal na droga at baril sa isinagawang checkpoint ng Davao Task Force sa Bunawan, Davao City.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Faizal Amil Igasan alias Rasid Sarani Madayan nang arestuhin ito habang kasama ang siyam na buwang buntis na asawa.

Sa ulat, sakay ng taxi ang suspek galing Panabo City pero naharang ito sa San Isidro, Bunawan papasok ng Davao kung saan nakuha sa kaniya ang l12 sachet ng shabu na may street value na aabot ng P90,000 mga drug paraphernalia at isang baril.

Nabatid na na nasa listahan ng high-value target sa ilegal na droga ng PNP si Igasan.

Facebook Comments