ARESTADO | Lalaking gumagamit ng shabu, huli

44

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking gumagamit ng ilegal na droga matapos na magsagawa ng beat patrol ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Station 11 ng Manila Police District sa Binondo Manila.

Nakilala ang suspek na si Roland Garcia 20-anyos residente ng Block 15 Baseco Compound Port Area Manila.

Ayon kina PO1 Alex Diaros at PO1 Juanito Bangayan ng San Nicolas PCP nagsasagawa sila ng beat patrol kaninang alas 5:30 ng umaga Eastern Sunday sa Madrid Street kanto ng Clavel Street Binondo Manila nang mapansin nila ang suspek naay kahina-hinalang pagkilos kaya at agad nilang kinapkapan at nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet na hinihinalang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments