ARESTADO | Lalaking may kapansanan, arestado sa panggagahasa ng menor

Quezon City – Hindi na nakapalag pa sa mga otoridad nang arestuhin ang isang lalaking may kapansanan matapos ireklamo ng panggagahasa sa grade 5 student sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Bernardo Caber, 52-anyos at asawa ng kasambahay ng biktimang hindi na pinangalanan.

Batay sa medico legal ng biktima, lumabas na nagtamo ito ng sugat sa ari.


Inamin naman ng suspek na tatlong beses niyang ginahasa ang biktima simula pa noong buwan ng Oktubre.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong rape in relation to child abuse.

Facebook Comments