ARESTADO | Lalaking nagpanggap na pulis, huli sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at mangikil sa isang traffic violator sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ang suspek na si Garrete Javier na nahaharap sa kasong extortion at usurpation of authority.

Ayon sa biktimang si Rex Viray, nagpakilala si Javier bilang PO2 ng Manila Police District (MPD) at hinuli siya sa paglabag sa counter flow.


Kinunan pa aniya ng litrato ng suspek ang kaniyang lisensya at tinakot na ipapa-revoke ito kung hindi siya magbibigay ng P2,500.

Umamin naman ang suspek na dati siyang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) pero tinanggal sa pwesto dahil sa kaso ring extortion.

Facebook Comments