Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong pagnanakaw sa Barangay Buhay na Tubig sa Pandacan, Maynila.
Nakilala ang suspek na si Mark Joven Niembra, 23-anyos na pang-pito sa most wanted sa Manila Police District-Pandacan Police Station 10.
Sa ulat, nakatanggap ng tip ang mga pulis na madalas tumatambay sa nasabing barangay ang suspek kaya at agad silang nagsagawa ng operasyon laban dito.
Napag-alaman na una nang nakapagpiyansa ang suspek sa nasabing kaso pero hindi na ito nagpakita pa sa korte.
Facebook Comments