ARESTADO | Limang tao, timbog sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at QCPD

Manila, Philippines – Arestado ang limang tao kasunod ng ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at QCPD sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Arthur Cambay, Jason Cambay, Marivic Cambay, Mark Colima at Edwin De Mesa na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Pinasok ng mga otoridad ang isang bahay na hinihinalang drug den sa Maunlad Street kung saan dito nakita ang mga suspek.


Nang kapkapan, nakuha sa kanila ang 23 pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Itinanggi naman ng mga suspek na tulak sila ng iligal na droga pero aminadong gumagamit sila nito.

Facebook Comments