ARESTADO | Loan officer, huli matapos mangupit sa kanilang kliyente

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang loan officer ng isang lending company nang madiskubreng nangupit ito ng mahigit P50,000.00 sa kukubrahing loan ng kliyente ng kanilang kumpanya sa Ermita, Maynila.

Kasong qualified theft ang kinakaharap ng suspek na si Lalaine Silvederio, 27-anyos, loan officer ng Easycash Lending Company Inc. at residente ng G. Tuazon Street, Sampaloc, Maynila.

Sa ulat, nadiskubre ng isang Aileen Pasadilla na winithdraw sa bangko ang kaniyang loan kung saan nailabas ng suspek ang pera sa loob lamang ng apat na araw o mula Nobyembre 9 hanggang 12.


Napag-alaman naman na ang suspek na si Silvederio ang siyang nagmaniobra para makuha ang pera.

Facebook Comments