ARESTADO | Mafia leader, timbog sa Italy!

661

Naaresto na ng Italian authorities ang lider ng Sicilian Mafia at ang 45 kasamahan nito.

Nagkasa ng raid ang mga awtoridad sa bahay ng alaherong si Settimo Mineo, 80-anyos.

Si Mineo ay hinalal bilang godfather ng Costa Nostra na pumalit kay Toto Riina na namatay sa kulungan noong isang taon.

Pinapatakbo ni Mineo ang Mafia operations sa Pagliarelli, ang central district sa Palermo.

Inakusahan ang Mafia suspects ng extortion, firearms offences, arson at ibang mga krimen.

Facebook Comments