ARESTADO | Mastermind sa paggawa ng mga pekeng credit card, naaresto ng NBI

Manila, Philippines – Naaresto ng NBI cybercrime division ang mastermind sa paggawa ng mga pekeng credit cards.

Si Gerard Joseph Liwag ay naaresto ng NBI sa raid sa kaniyang condo unit sa Bonifacio Global City, Taguig.

Si Liwag ay nahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.


Una rito, pitong commercial banks ang nagreklamo sa NBI dahil sa paggawa at paggamit ni Liwag ng mga pekeng local at international credit card.

Ayon sa NBI, target ng grupo ni Liwag ang mga bangko, malls at mga casino hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging hanggang sa Cebu.

Facebook Comments