ARESTADO | Mga miyembro ng sindikato na nahuli sa Gagalangin, Tondo, Maynila, kinasuhan na

Manila, Philippines – Kinasuhan na ng illegal possession of firearms and explosives at falsification of documents ang mga miyembro ng sindikato na nahuli sa Gagalangin, Tondo, Maynila.

Nagsanib-pwersa ang Manila Police District (MPD) intelligence operations unit at station 1 upang silbihan ng search warrant at arestuhin ang mga suspek na sina Jessica Cortez, Ricardo Pacaras, Luben Lanugon at apat na iba pa.

Nang halughugin ang kanilang bahay, tumambad sa mga pulis ang mga kwestyonableng mga blueprint ng mga lote, tituto, granada, baril at iba pang ammunition.


Lumalabas na dati nang nasangkot ang sindikato sa pag-aangking ng property partikular sa Parola compound.

Facebook Comments