Arestado ng NBI ang isang lalaking gumamit sa pangalan ng isang piskal ng Muntinlupa City para mangikil ng malaking halaga ng pera.

2024

Isinailalim sa inquest proceeding sa Department of Justice ang suspek na si Kasper Sulayao na empleyado ng Telan Law Office sa Pasig City.

Ayon sa biktimang si Jonjie Santos, noong naaraang taon pa siya hinaharas ng suspek na nagpakilalang siya si Assistant State Prosecutor Ruby Baclayo ng Muntinlupa prosecutors office .

Tinatakot aniya siya ni Sulayao na ipaaresto kapag hindi agad ito nagbayad ng pagkakautang sa bangko na umaabot sa 300 thousand pesos.

Mula sa Boracay kung saan sya nagtatrabaho ay napasugod si Santos sa Muntinlupa para hanapin si Fiscal Baclayo at doon niya lamang nalaman na ginagamit lang pala ang pangalan ng piskal.

Sa affidavit ni Fiscal Baclayo, sinabi nito na hindi lang si Santos ang biktimang nakipag-ugnayan sa kanya kaya dumulog na sila sa NBI cybercrime division.

Inireklamo si Sulayao ng computer related identity theft, grave coercion at estafa.

Facebook Comments