ARESTADO | P1.7 milyon na shabu, kumpiskado sa 82-anyos na lola

Batangas City – Arestado ang isang 82-anyos na lola matapos mahulihan ng 250 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa kanilang bahay sa Rizal Avenue, Batangas City.

Kinilala ang suspek na si Estelita Andal na may suot pang oxygen support nang maaresto.

Kasama din nahuli ang iba pang kasabwat ni Lola Estelita na sina Danilo Ramos at Circoncicion Andal.


Nabatid na ang grupo nina lola Estelita ang pangunahing nagsu-supply sa mga tulak ng iligal na droga sa Batangas City kung saan hindi naman ito itinanggi ng mga suspek.

Facebook Comments