Muntinlupa City – Kalaboso ang isang negosyante matapos magpanggap na police colonel sa Muntinlupa City.
Sa ulat, nasita ng mga tunay na pulis ang suspek na si Ephraim Agbuya dahil sa pagiging “lousy” o masagwang pagsusuot ng PNP Athletic Uniform, PNP Ball Cap at itim na jacket na may markang “pulis” na tinernuhan ng tsinelas.
Nasakote ang suspek matapos itong bumili sa loob ng isang botika sa may national road, Barangay Tunasan kung saan buong yabang itong nagpakilala na isang police colonel o superintendent.
Nang hanapan ng PNP ID, walang maipakita ang suspek hanggang sa umamin ito sa pagiging pekeng pulis kaya at dito na siya inaresto at nahaharap sa kasong usurpation of authority at Illegal Use of PNP Uniform.
Facebook Comments