ARESTADO | Pitong tao, timbog sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Makati City

Makati City – Timbog ang pitong tao sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Makati City.

Unang naaresto sina John Joseph Siriban, Renato Cruz, Josephine Lising, Bryan Rhey Saenz at Maribel Espiritu sa 13th Avenue sa Barangay East Rembo kung saan nakuha sa kanila ang 200 pesos na buy-bust money at dalawang sachet ng shabu.

Samantala, sinita ng mga otoridad sina Harold Protacio at Erica Flores makaraang makitang naninigarilyo sa Del Pilar Street, Barangay Comembo pero tumakbo ang mga ito.


Dito na nagkaroon ng habulan hanggang sa maabutan at nakuha mula sa kanila ang apat na sachet ng shabu, isang pakete ng marijuana at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments