ARESTADO | Puganteng Chinese na wanted sa kasong economic crimes sa China, kalaboso

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese na wanted sa kasong economic crimes sa China.

Kinilala itong si Shi Hongye, 36-anyos.

Target sana ng operasyon ang isa pang puganteng Chinese na si Miao You Chun pero natiyempuhan ng Bureau of Immigration (BI) si Shi.


Naglabas na ng summary deportation order ang Bureau of Immigration (BI) board of commissioners laban kay Shi dahil sa pagiging undesirable alien nito.

Facebook Comments