ARESTADO | Pulis, huli dahil sa pangongotong sa isang taxi driver

Makati City – Huli sa ikinasang entrapment operation ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) ang isang pulis matapos na mangotong sa isang taxi driver sa loob ng Traffic Enforcement and Investigation Unit of Makati City Police Station.

Kinilala ang naarestong pulis na si SPO3 Nildo Orsua.

Batay sa reklamo ng taxi driver na si Marlon Dalaga, nasangkot siya sa isang vehicular accident kaya at kinumpirma ni Orsua ang kaniyang driver’s license at isasauli lang kapalit ang P2,500.


Dahil dito, napilitan ang biktima na magsumbong sa CITF.

Nang maberipika ng CITF ang reklamo, agad ikinasa ang entrapment operation dahilan ng pagkakaaresto ni SPO3 Orsua.

Sa ngayon nahaharap ang pulis sa kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments