ARESTADO | Pulis, kalaboso matapos magnakaw ng motorsiklo sa Mandaue City

Mandaue City – Arestado ang isang aktibong pulis na nakatalaga sa Cebu City Police Office (CCPO) Station 2 matapos na masangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Mandaue City.

Sa ulat, nakipaghabulan pa sa mga kapwa niya pulis si PO2 Argel Abella Fuentes nang matuklasan ang ginawa nitong pagnanakaw ng motorsiklo sa Barangay Tiolo.

Nabatid na nagtungo sa presinto ang biktima ni Fuentes at sinabing tinutukan siya ng baril nito bago tinangay ang kanyang motorsiklo.


Naharang lamang ang suspek sa ikinasang follow up operation at wala nang nagawa pa si Fuentes kundi sumuko.

Facebook Comments