ARESTADO | Suspek sa child pornography at human trafficking, huli; 5 menor de edad, na-rescue

Manila, Philippines – Arestado ng NBI at PNP-Women and Child Protection Center (WCPC) ang suspek sa child pornography at human trafficking.

Si Anselmo Ico Jr. alyas “Jaja Jhoncel” ay naaresto ng mga otoridad sa operasyon sa Malolos, Bulacan.

Kasabay nito ang pagkaka-rescue sa limang menor de edad.


Unang natimbre sa NBI at PNP Norway Police matapos nilang maaresto ang isang Ketil Andersen, isang Norwegian citizen na sangkot sa child pornography sa Pilipinas.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad na nauwi sa pagkaka aresto kay Ico.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Expanded Anti-Human Trafficking of Persons Act of 2012, Cybercrime Prevention Act at Anti-Child Pornography Act.

Facebook Comments