ARESTADO | Suspek sa insidente ng pamamaril sa Pasuquin, Ilocos Norte, nadakip na ng mga otoridad

Ilocos Norte – Nadakip na ng mga otoridad ang suspek sa insidente ng pamamaril sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Kinilala ang naaresto na si Jeremy Magaoay, residente ng Barangay Natba, Bacarra.

Depensa ng suspek, plano lang niya sana takutin ang mga biktimang sina John Lord Abion at Herman Acoba kaya at pinagbabaril niya ang mga ito pero himalang nakaligtas.


Nabatid na nagalit ang suspek matapos siyang unahan ng mga biktima habang nagmamaneho ng motorsiklo kung saan pinagtawanan at binulyawan pa raw siya ng mga ito.

Aminado naman ang suspek na expired na ang lisensya ng baril na kanyang pag-aari at kaniya na din itong itinapon upang wala nang ebidensiya.

Facebook Comments