Pateros – Arestado sa magkasunod na operasyon ang tatlong menor de edad na tumangay ng motorsiklo ng isang tricycle driver sa E. Ragas Street, Barangay Sta Ana, Pateros.
Nasa 15-anyos lamang ang edad ng dalawang lalaki at menor de edad din ang isang babaeng nasa likod ng nasabing carnapping incident.
Ayon sa Pateros PNP, nagtaka nalamang ang tricycle driver na si Pablito Marollano na wala na ang motor sa parking area.
Makalipas ang ilang oras nakita ng mismong anak ng biktima ang kanilang tricycle sa M. Almeda Street, Barangay Martirez Del 96 kaya at mabilis silang tumawag ng pulis.
Agad na nahuli ang babaeng suspek pero nakatakas naman ang dalawang lalaki pero naaresto din ang mga ito nang ituro ng dalaga ang kanilang bahay.
Facebook Comments