Pasay City – Kalaboso ang tatlong lalaki na miyembro ng “ipit gang” matapos masakote nang magnakaw ng cellphone sa Edsa- Malibay, Pasay City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Michael Lapuz, Anton Vitoy at Eduardo Salotorio.
Sa ulat, agad na nasumbong ang biktimang si Hector Velazquez Jr. sa naka-stand by na mga pulis sa lugar matapos na dukutin ang kaniyang cellphone kaya at naharang ang mga suspek pero nakatakas ang isa nilang kasabwat.
Narekober sa mga suspek ang isang kitchen knife at ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng ₱16,000.00 pero basag na ang screen nito makaraan ipilit itong isiksik ni Lapuz sa gilid ng upuan.
Todo tanggi ang tatlo at kanilang itinuturo ang kanilang kasamahan na nakatakas na siyang nang-trip na dukutin ang cellphone ng biktima saka ito ipinasa sa kanila.